Saturday, June 24, 2006

Mga Karaniwang Reklamo Habang Nagbubuntis


Pagkahilo at pagsuska
Sa unang tatlong buwan karaniwan itong nararamdaman ng buntis. Ito ang tinatawag na morning sickness sapagakat mas karaniwang nangyayari ito sa umaga. Maari ito maiwasan kung kakain lamang ng konti sa mas madalas na [anahon at ang pag iwas sa mga bagay na karaniwang nakakasanhi nito.

Sakit sa likod (backache)
Ito ay maaring maiwasan o makontian ang sakit sa paraang ito: klapag kukuha ng bagay mula sa lapag, sa halip na ibaba ang kalahati ng katawana upang abutin ito ay mas maiging mag squat na lamang (PIC). Gumamit din ng unan habang nakaupo at wag magsuot ng sapatos na may mataas na heels.

Ugat o varicose veins
Upang maiwasan ito, makakatulong ang pagpapahinga ng madalas, itaas ang paa, paggamit ng supprt stockings.

Hemorrhoids/almoranas
Maaring gumamit ng topical anesthetics na ipinapahid lamang sa apektadong bahagi ng pwet. Maari ring uminom ng mga pamapalambot ng dumi, Kumonsulta sa duktor ukol sa mga gamut na maaring gamiting para dito.

Candidiasis
Ang sintomas nito ay ang paglabas ng discharge mula sa pwerta. Maaring gumamit ng Miconazole, Cotrimazole o nystatin para dito.

Posted by Block 10a @ 8:49 PM

Buy Baby T-shirts with these Designs


Iba pang Websites

This Blog is being maintained by
UP College of Medicine Class 2008 Block 10A.
Vanessa Torres
Allen Tria
Jackie Uy
Irish Valiña
Cherry Valino
Ariel Valones
Ivan Vicente
Vinci Villafuerte